PANOORIN|| Inilatag ni Mayor Harry D. Florida sa isinagawang officials and employees meeting ang lahat ng mga kaniyang mga plano sa huli nitong termino o sa tatlong taong natitira pa nitong pag-upo bilang alkalde.Ilan lamang sa mga plano nitong sisikapin nitong maisakatuparan bago bumaba sa pwesto ay ang pag –co-convert para maging provincial road ang kalsada ng barangay Utan na susulpot naman ito sa Cabatacan, Lasam , gayundin ang pag convert din sa Allig Valley Road patungo lalawigan ng Apayao na karatig probinisya lamang ng Allacapan.Kabilang din sa mga nakalinyang proyekto nito ang pagtatayo ng infirmary hospital sa barangay Daan-ili, pagpapatayo ng karagdagang mga gymnasium sa mga barangays na wala pang gymnasium, at ang pagbili ng mechanical dryer para sa mga magsasaka.Kinuha din nito ang pagkakataon na hilingin sa lahat ng mga newly at re-elected sangguiang bayan members na suportahan ang kasalukuyang administrasyon sa lahat ng mga programa nito at proyekto.Kaalinnsabay nito ang pakiusap nito sa mga SB Members na gawin ang kanilang mandato na pagsilbihan ang mga Allacapenos.Sinabi din nitong isang araw lamang ang eleksyon at kung mayroon man silang mga political differences ay wag sana itong maging dahilan ng pagkakaroon ng dibisyon sa pagitan nila ng mga inihalal na mga konsehal.Sa huli pinasalamatan ni Mayor Florida ang lahat sa kanilang walang sawang suporta at sinabing sana ay i-enjoy lamang ng lahat na kasama pa siya sa kaniyang huling termino at nagbirong tiyak na maimiss siya ng lahat kapag ito’y bumaba na sa pwesto.Samantala, inihayag din ni Vice Mayor Yvonne Kathrina S. Florida sa mga nanalong mga konsehal na magkaisa tungo sa iisang layuning ang pagsilbihan ang mga kababayang allacapeno.Ayon pa dito na tapos na ang eleksyon at naway sundin ng lahat kung anuman ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa bayan.Katulad ng ating alkalde at pinsalamatan din nito ang lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa kanila ni Mayor Florida.
#NaisemNgaAllacapan
“Allacapeño tayo, Disiplinado”