Ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng DILG sa mga LGUs
BASAHIN|| Sa ikatlong pagkakataon ay muling nasungkit ng LGU Allacapan ang Seal of Good Local Governance (SGLG) CY 2022.
Ang SGLG ang pinaka-prestihiyosong parangal na ibinibigay ng DILG sa mga excellent and performing LGUs sa larangan ng public service.
Dahil dito, walang pagsidlan ang kasiyahan nina Mayor Harry D. Florida at ang kaniyang maybahay na si Vice Mayor Yvonne Kathrina Florida, sa pagkakapasa ng LGU Allacapan sa SGLG.
Ayon sa dalawang opisyal, ang parangal ay patunay ng matapat, malinis at transparent na pamamahala ng lokal na pamahalaan.
Ang pagkakakuha ng SGLG award ng LGU Allacapan ay dahil sa maayos na pag-implementa sa sampong (10) governance areas.
Ito ay ang mga sumusunod: Financial Administration & Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection & Sensitivity; Safety, Peace and Order; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness & Competitiveness; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and the Arts; and Youth Development.
Nangako naman ang mga ito na mas lalo pa nilang palalakasin ang mga programa ng LGU at mas lalo nilang pagbubutihin ang pagtatrabaho tungo sa mas maunlad na “NAISEM NGA ALLACAPAN”.